18Nang makita ni Hesus ang napakaraming taong nakapaligid sa kanya, sinabihan niya ang kanyang mga alagad na pupunta sila sa kabilang ibayo ng lawa.
19May lumapit sa kanyang tagapagturo ng Kautusan at sinabi, “Guro, susunod po ako sa inyo kahit saan kayo magpunta.”
20Sumagot si Hesus, “Ang mga asong-gubat ay may mga lungga, at ang mga ibon ay may mga pugad, subalit ang Anak ng Tao ay walang tahanang mapagpapahingahan.”
21Isa pa sa mga alagad niya ang nagsabi, “Panginoon, hayaan nʼyo muna akong umuwi para ilibing ang aking ama.”
22Ngunit sinabi ni Hesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin at ipaubaya mo sa mga patay ang paglilibing ng kanilang patay.”