Mateo 8

Ngunit sinabi ni Hesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin at ipaubaya mo sa mga patay ang paglilibing ng kanilang patay.”

Matthew 8:22 (UKJV) But Jesus said unto him, Follow me; and let the dead bury their dead.

20Sumagot si Hesus, “Ang mga asong-gubat ay may mga lungga, at ang mga ibon ay may mga pugad, subalit ang Anak ng Tao ay walang tahanang mapagpapahingahan.”

21Isa pa sa mga alagad niya ang nagsabi, “Panginoon, hayaan nʼyo muna akong umuwi para ilibing ang aking ama.”

22Ngunit sinabi ni Hesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin at ipaubaya mo sa mga patay ang paglilibing ng kanilang patay.”

23Pagkatapos, sumakay sa bangka si Hesus, at sumáma ang mga alagad niya.

24At habang naglalayag sila, biglang dumating ang malakas na bagyo at halos matabunan na ng malalaking alon ang kanilang bangka. Samantala, si Hesus naman ay natutulog.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.