1Sumakay sina Hesus sa bangka, tumawid sa kabila ng lawa at dumating sa bayan kung saan siya nakatira.
2May mga lalaking nagdala sa kanya ng isang paralitikong nakahiga sa banig. Nakita ni Hesus ang kanilang pananampalataya, kaya sinabi niya sa lalaki, “Lakasan mo ang iyong loob, anak. Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”
3Nang marinig ito ng ilang tagapagturo ng Kautusan na naroon, sinabi nila sa kanilang sarili, “Nilalapastangan ng taong ito ang Diyos.”