Mateo 9

May mga lalaking nagdala sa kanya ng isang paralitikong nakahiga sa banig. Nakita ni Hesus ang kanilang pananampalataya, kaya sinabi niya sa lalaki, “Lakasan mo ang iyong loob, anak. Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”

Matthew 9:2 (UKJV) And, behold, they brought to him a man sick of the palsy, lying on a bed: and Jesus seeing their faith said unto the sick of the palsy; Son, be of good cheer; your sins be forgiven you.

1Sumakay sina Hesus sa bangka, tumawid sa kabila ng lawa at dumating sa bayan kung saan siya nakatira.

2May mga lalaking nagdala sa kanya ng isang paralitikong nakahiga sa banig. Nakita ni Hesus ang kanilang pananampalataya, kaya sinabi niya sa lalaki, “Lakasan mo ang iyong loob, anak. Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”

3Nang marinig ito ng ilang tagapagturo ng Kautusan na naroon, sinabi nila sa kanilang sarili, “Nilalapastangan ng taong ito ang Diyos.”

4Ngunit alam ni Hesus ang iniisip nila, kaya sinabi niya, “Bakit kayo nag-iisip ng masama?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.