Mateo 9

Ngunit nang marinig ito ni Hesus, sinabi niya sa kanila, “Hindi ang mga taong walang sakit ang nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit.

Matthew 9:12 (UKJV) But when Jesus heard that, he said unto them, They that be whole need not a physician, but they that are sick.

10Habang kumakain si Hesus at ang mga alagad niya sa bahay ni Mateo, nagdatingan ang maraming maniningil ng buwis at iba pang mga itinuturing na makasalanan at kumaing kasama nila.

11Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang mga alagad ni Hesus, “Bakit kumakain ang guro ninyo kasama ang mga maniningil ng buwis at iba pang mga makasalanan?”

12Ngunit nang marinig ito ni Hesus, sinabi niya sa kanila, “Hindi ang mga taong walang sakit ang nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit.

13Humayo kayo at intindihin nʼyo kung ano ang kahulugan nito: ‘Ang hinahangad koʼy ang maging maawain kayo, hindi ang handog ninyo.’ Sapagkat naparito ako hindi para tawagin ang mga taong matuwid, kundi ang mga makasalanan.”

14Lumapit kay Hesus ang ilang mga alagad ni Juan na Tagapagbautismo at tinanong siya, “Kami at ang mga Pariseo ay madalas mag-ayuno. Ngunit bakit hindi nag-aayuno ang mga alagad nʼyo?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.