Mateo 9

Humayo kayo at intindihin nʼyo kung ano ang kahulugan nito: ‘Ang hinahangad koʼy ang maging maawain kayo, hindi ang handog ninyo.’ Sapagkat naparito ako hindi para tawagin ang mga taong matuwid, kundi ang mga makasalanan.”

Matthew 9:13 (UKJV) But go all of you and learn what that means, I will have mercy, and not sacrifice: for I am not come to call the righteous, but sinners to repentance.

11Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang mga alagad ni Hesus, “Bakit kumakain ang guro ninyo kasama ang mga maniningil ng buwis at iba pang mga makasalanan?”

12Ngunit nang marinig ito ni Hesus, sinabi niya sa kanila, “Hindi ang mga taong walang sakit ang nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit.

13Humayo kayo at intindihin nʼyo kung ano ang kahulugan nito: ‘Ang hinahangad koʼy ang maging maawain kayo, hindi ang handog ninyo.’ Sapagkat naparito ako hindi para tawagin ang mga taong matuwid, kundi ang mga makasalanan.”

14Lumapit kay Hesus ang ilang mga alagad ni Juan na Tagapagbautismo at tinanong siya, “Kami at ang mga Pariseo ay madalas mag-ayuno. Ngunit bakit hindi nag-aayuno ang mga alagad nʼyo?”

15Sumagot si Hesus, “Nagluluksa ba ang mga panauhin sa kasalan habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal? Siyempre, hindi! Ngunit darating ang araw na kukunin sa kanila ang lalaking ikakasal, at saka sila mag-aayuno.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.