Mateo 9

Sapagkat naisip ng babae, “Mahawakan ko lang ang damit niya ay gagaling na ako.”

Matthew 9:21 (UKJV) For she said within herself, If I may but touch his garment, I shall be whole.

19Kaya tumayo si Hesus at sumáma sa kanya, pati na rin ang mga alagad niya.

20Habang papunta sila, may isang babae roon na labindalawang taon nang dinudugo. Lumapit siya sa likuran ni Hesus at hinipo ang laylayan ng damit niya.

21Sapagkat naisip ng babae, “Mahawakan ko lang ang damit niya ay gagaling na ako.”

22Lumingon si Hesus at nakita siya. Sabi niya, “Lakasan mo ang iyong loob, anak. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” At gumaling nga ang babae sa sandaling iyon.

23Nang dumating na si Hesus sa bahay ng namumuno sa sinagoga, nakita niya ang mga manunugtog ng plauta sa libing at ang maraming taong nagkakagulo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.