Mateo 9

Pinalayas ni Hesus ang demonyo, at nakapagsalita ang pipi. Namangha ang mga tao at sinabi, “Wala pang nangyaring ganito sa Israel.”

Matthew 9:33 (UKJV) And when the devil was cast out, the dumb spoke: and the multitudes marvelled, saying, It was never so seen in Israel.

31Ngunit umalis sila at ipinamalita nila sa buong lugar na iyon ang tungkol kay Hesus.

32Habang paalis na sila, may dinala kay Hesus na isang lalaking hindi makapagsalita dahil sinasapian ng demonyo.

33Pinalayas ni Hesus ang demonyo, at nakapagsalita ang pipi. Namangha ang mga tao at sinabi, “Wala pang nangyaring ganito sa Israel.”

34Ngunit sinabi ng mga Pariseo, “Ang pinuno ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.”

35Nilibot ni Hesus ang mga bayan at mga nayon, at nagturo siya sa mga sinagoga. Ipinahayag niya ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos, at pinagaling niya ang ibaʼt ibang uri ng sakit at karamdaman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.