29At hinipo niya ang mga mata nila, at sinabi, “Mangyari sa inyo ang ayon sa inyong pananampalataya.”
30At nakakita nga ang dalawa. Mahigpit silang pinagbilinan ni Hesus na huwag nila itong sasabihin kaninuman.
31Ngunit umalis sila at ipinamalita nila sa buong lugar na iyon ang tungkol kay Hesus.
32Habang paalis na sila, may dinala kay Hesus na isang lalaking hindi makapagsalita dahil sinasapian ng demonyo.
33Pinalayas ni Hesus ang demonyo, at nakapagsalita ang pipi. Namangha ang mga tao at sinabi, “Wala pang nangyaring ganito sa Israel.”