Mateo 9

At nakakita nga ang dalawa. Mahigpit silang pinagbilinan ni Hesus na huwag nila itong sasabihin kaninuman.

Matthew 9:30 (UKJV) And their eyes were opened; and Jesus strictly charged them, saying, See that no man know it.

28Pagdating ni Hesus sa bahay na kanyang tutuluyan, lumapit sa kanya ang mga bulag na lalaki. Tinanong niya sila, “Naniniwala ba kayo na kaya ko kayong pagalingin?” Sumagot sila, “Opo, Panginoon.”

29At hinipo niya ang mga mata nila, at sinabi, “Mangyari sa inyo ang ayon sa inyong pananampalataya.”

30At nakakita nga ang dalawa. Mahigpit silang pinagbilinan ni Hesus na huwag nila itong sasabihin kaninuman.

31Ngunit umalis sila at ipinamalita nila sa buong lugar na iyon ang tungkol kay Hesus.

32Habang paalis na sila, may dinala kay Hesus na isang lalaking hindi makapagsalita dahil sinasapian ng demonyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.