Mateo 9

Pagdating ni Hesus sa bahay na kanyang tutuluyan, lumapit sa kanya ang mga bulag na lalaki. Tinanong niya sila, “Naniniwala ba kayo na kaya ko kayong pagalingin?” Sumagot sila, “Opo, Panginoon.”

Matthew 9:28 (UKJV) And when he was come into the house, the blind men came to him: and Jesus says unto them, Believe all of you that I am able to do this? They said unto him, Yea, Lord.

26Kumalat ang balitang ito sa buong lugar na iyon.

27Pagkaalis ni Hesus sa lugar na iyon, sumunod sa kanya ang dalawang bulag na sumisigaw, “Anak ni David, maawa po kayo sa amin!”

28Pagdating ni Hesus sa bahay na kanyang tutuluyan, lumapit sa kanya ang mga bulag na lalaki. Tinanong niya sila, “Naniniwala ba kayo na kaya ko kayong pagalingin?” Sumagot sila, “Opo, Panginoon.”

29At hinipo niya ang mga mata nila, at sinabi, “Mangyari sa inyo ang ayon sa inyong pananampalataya.”

30At nakakita nga ang dalawa. Mahigpit silang pinagbilinan ni Hesus na huwag nila itong sasabihin kaninuman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.