24Sinabi niya, “Magsilabas kayo! Hindi patay ang bata kundi natutulog lang.” Ngunit pinagtawanan lamang siya ng mga ito.
25Nang mapalabas na ang mga tao, pumasok siya at hinawakan sa kamay ang bata, at bumangon ito.
26Kumalat ang balitang ito sa buong lugar na iyon.
27Pagkaalis ni Hesus sa lugar na iyon, sumunod sa kanya ang dalawang bulag na sumisigaw, “Anak ni David, maawa po kayo sa amin!”
28Pagdating ni Hesus sa bahay na kanyang tutuluyan, lumapit sa kanya ang mga bulag na lalaki. Tinanong niya sila, “Naniniwala ba kayo na kaya ko kayong pagalingin?” Sumagot sila, “Opo, Panginoon.”