Mateo 9

Sinabi niya, “Magsilabas kayo! Hindi patay ang bata kundi natutulog lang.” Ngunit pinagtawanan lamang siya ng mga ito.

Matthew 9:24 (UKJV) He said unto them, Give place: for the maid is not dead, but sleeps. And they laughed him to scorn.

22Lumingon si Hesus at nakita siya. Sabi niya, “Lakasan mo ang iyong loob, anak. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” At gumaling nga ang babae sa sandaling iyon.

23Nang dumating na si Hesus sa bahay ng namumuno sa sinagoga, nakita niya ang mga manunugtog ng plauta sa libing at ang maraming taong nagkakagulo.

24Sinabi niya, “Magsilabas kayo! Hindi patay ang bata kundi natutulog lang.” Ngunit pinagtawanan lamang siya ng mga ito.

25Nang mapalabas na ang mga tao, pumasok siya at hinawakan sa kamay ang bata, at bumangon ito.

26Kumalat ang balitang ito sa buong lugar na iyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.