Micas 1

Dahil sa pagkawasak ng Samaria, iiyak ako at hahagulgol. Maglalakad ako nang nakapaa at nakahubad. Aalulong ako tulad ng asong-gubat at tataghoy akong tulad ng kuwago.

Micah 1:8 (UKJV) Therefore I will wail and wail, I will go stripped and naked: I will make a wailing like the dragons, and mourning as the owls.

6“Kaya gigibain ko ang Samaria at tataniman na lang ito ng mga ubas. Pagugulungin ko ang mga bato nito papunta sa kapatagan hanggang sa makita ang mga pundasyon nito.

7Lahat ng diyos-diyosan nito ay madudurog, at ang upa ng mga babaeng bayaran sa templo nito ay masusunog. Wawasakin ko ang mga imahen nito. Sapagkat galing sa upa ng mga babaeng bayaran ang mga handog na naipon, at muling gagamitin bilang upa para sa ibang babaeng bayaran.”

8Dahil sa pagkawasak ng Samaria, iiyak ako at hahagulgol. Maglalakad ako nang nakapaa at nakahubad. Aalulong ako tulad ng asong-gubat at tataghoy akong tulad ng kuwago.

9Sapagkat ang pagkagiba ng Samaria ay parang sugat na hindi na gagaling, at mangyayari din ito sa Juda hanggang sa Jerusalem na siyang kabisera na lungsod ng aking mga kababayan.

10Huwag ninyo itong ipamalita sa Gat. Huwag kayong tatangis kahit isang patak man lang. Sa Bet-leafra kayo maglupasay sa abo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.