Micas 6

Magtatanim kayo, ngunit hindi ninyo maaani. Magpipisa kayo ng mga olibo ngunit hindi ninyo mapapakinabangan ang langis nito. Magpipisa kayo ng mga ubas, ngunit hindi ninyo maiinom ang katas nito.

Micah 6:15 (UKJV) You shall sow, but you shall not reap; you shall tread the olives, but you shall not anoint you with oil; and sweet wine, but shall not drink wine.

13Kaya sinimulan kong lipulin kayo bilang parusa sa inyong mga kasalanan.

14Kakain kayo, ngunit hindi kayo mabubusog; mananatili kayong gutom. Mag-iimpok kayo, ngunit walang maiiwan, sapagkat masisira lamang ito sa digmaan.

15Magtatanim kayo, ngunit hindi ninyo maaani. Magpipisa kayo ng mga olibo ngunit hindi ninyo mapapakinabangan ang langis nito. Magpipisa kayo ng mga ubas, ngunit hindi ninyo maiinom ang katas nito.

16Mangyayari ito sa inyo dahil sinunod ninyo ang masasamang gawa, mga tuntunin, at mga payo ni Haring Omri at ng anak niyang si Haring Ahab. Kaya wawasakin ko kayo; hahamakin kayo at lalaitin ng ibang mga bansa.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.