14Patnubayan nawa ninyo ang inyong mamamayan katulad ng pastol sa kanyang kawan. Ang mga lupain sa aming paligid ay may masaganang pastulan, ngunit kami ay namumuhay sa kaparangan na kami-kami lang. Palawakin nʼyong muli ang aming teritoryo hanggang sa Bashan at sa Gilead katulad noon.
15Sinabi ng Panginoon, “Magpapakita ako sa kanila ng mga himala, katulad noong inilabas ko kayo sa Ehipto.”
16Makikita ito ng mga bansa at mapapahiya sila sa kabila ng kanilang kapangyarihan. At hindi na sila makikinig o magsasabi ng mga panlalait sa amin.
17Gagapang sila sa lupa na parang ahas dahil sa sobrang hiya. Lalabas sila sa kanilang lungga na nanginginig sa takot sa inyo, Panginoon naming Diyos.
18Walang ibang Diyos na katulad ninyo! Pinapatawad ninyo ang kasamaan at kinakalimutan ang kasalanan ng nalalabing lahi ng inyong mamamayan. Hindi kayo nananatiling galit magpakailanman dahil ikinagagalak nʼyong mahalin kami.