1Ito ay isang propesiya patungkol sa Nineve. Nilalaman ng aklat na ito ang mga pangitain ni Nahum na taga-Elcos.
2Ayaw ng Panginoong Diyos na sumamba ang mga tao sa ibang mga diyos. Galit siya sa kanyang mga kaaway at pinaghihigantihan niya sila.
3Ang Panginoon ay hindi madaling magalit, ngunit dakila ang kanyang kapangyarihan at tiyak na parurusahan niya ang nagkasala. Kapag dumadaan siya, umuugong ang hangin at bumabagyo. Ang mga ulap ay parang alikabok sa kanyang mga paa.
4Sa utos lamang niyaʼy natutuyo ang mga dagat at mga ilog. Nalalanta ang mga tanim sa Bashan, sa Bundok ng Carmel at sa Lebanon.
5Nayayanig ang mundo sa kanyang presensya, pati na ang mga bundok at mga burol, at ang mga tao sa mundo ay nanginginig.