Nahum 1

Ayaw ng Panginoong Diyos na sumamba ang mga tao sa ibang mga diyos. Galit siya sa kanyang mga kaaway at pinaghihigantihan niya sila.

Nahum 1:2 (UKJV) God is jealous, and the LORD revenges; the LORD revenges, and is furious; the LORD will take vengeance on his adversaries, and he reserves wrath for his enemies.

1Ito ay isang propesiya patungkol sa Nineve. Nilalaman ng aklat na ito ang mga pangitain ni Nahum na taga-Elcos.

2Ayaw ng Panginoong Diyos na sumamba ang mga tao sa ibang mga diyos. Galit siya sa kanyang mga kaaway at pinaghihigantihan niya sila.

3Ang Panginoon ay hindi madaling magalit, ngunit dakila ang kanyang kapangyarihan at tiyak na parurusahan niya ang nagkasala. Kapag dumadaan siya, umuugong ang hangin at bumabagyo. Ang mga ulap ay parang alikabok sa kanyang mga paa.

4Sa utos lamang niyaʼy natutuyo ang mga dagat at mga ilog. Nalalanta ang mga tanim sa Bashan, sa Bundok ng Carmel at sa Lebanon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.