Nahum 2

Samsamin ninyo ang pilak! Samsamin ninyo ang ginto! Hindi mauubos ang kayamanan ng Nineve, hindi mabibilang ang mamahaling bagay nila.

Nahum 2:9 (UKJV) Take all of you the spoil of silver, take the spoil of gold: for there is none end of the store and glory out of all the pleasant furniture.

7Naipahayag na, na bibihagin kayo at dadalhin sa ibang bayan. Uungol ang inyong mga utusang babae na parang kalapati habang dinadagukan nila ang kanilang dibdib dahil sa kalungkutan.

8Ang mga taong tumatakas mula sa Nineve ay parang tubig na umagos mula sa nawasak na imbakan ng tubig. Ang mga tumatakas ay pinapabalik ng kanilang mga kasama ngunit wala ni isa mang bumalik.

9Samsamin ninyo ang pilak! Samsamin ninyo ang ginto! Hindi mauubos ang kayamanan ng Nineve, hindi mabibilang ang mamahaling bagay nila.

10Malilipol, mawawasak at magiging mapanglaw na ang Nineve! Kaya natatakot ang mga mamamayan nito, nanghihina ang buong katawan nila, nanginginig ang kanilang mga tuhod, at namumutla silang lahat.

11Ang Nineve ay parang yungib na tinitirhan ng mag-asawang leon at ng mga anak nito. Walang puwedeng manakit sa kanila sa yungib.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.