8Ang mga taong tumatakas mula sa Nineve ay parang tubig na umagos mula sa nawasak na imbakan ng tubig. Ang mga tumatakas ay pinapabalik ng kanilang mga kasama ngunit wala ni isa mang bumalik.
9Samsamin ninyo ang pilak! Samsamin ninyo ang ginto! Hindi mauubos ang kayamanan ng Nineve, hindi mabibilang ang mamahaling bagay nila.
10Malilipol, mawawasak at magiging mapanglaw na ang Nineve! Kaya natatakot ang mga mamamayan nito, nanghihina ang buong katawan nila, nanginginig ang kanilang mga tuhod, at namumutla silang lahat.
11Ang Nineve ay parang yungib na tinitirhan ng mag-asawang leon at ng mga anak nito. Walang puwedeng manakit sa kanila sa yungib.
12Pinapatay at nilalapa ng lalaking leon ang kanyang biktima at ibinibigay sa kanyang asawa at mga anak. Pinupuno niya ang kanyang yungib ng karne ng kanyang mga biktima. Ngunit ngayon, ang Nineve ay wawasakin na.