Nehemias 1

Doon ay pumunta sa akin ang isa sa mga kapatid ko na si Hanani. Galing siya sa Juda kasama ang ilang kalalakihan. Tinanong ko sila tungkol sa Jerusalem at sa mga Hudyo na nagsibalik mula sa pagkakabihag.

Nehemiah 1:2 (UKJV) That Hanani, one of my brethren, came, he and certain men of Judah; and I asked them concerning the Jews that had escaped, which were left of the captivity, and concerning Jerusalem.

1Ito ang salaysay tungkol sa mga ginawa ni Nehemias na anak ni Hacalias. Noong buwan ng Kislev, nang ikadalawampung taon ng paghahari ni Artaherhes sa Persia, naroon ako sa palasyo sa Susa.

2Doon ay pumunta sa akin ang isa sa mga kapatid ko na si Hanani. Galing siya sa Juda kasama ang ilang kalalakihan. Tinanong ko sila tungkol sa Jerusalem at sa mga Hudyo na nagsibalik mula sa pagkakabihag.

3Sumagot sila, “Labis na nahihirapan ang mga nagsibalik sa Juda at tinutuya sila. Hanggang ngayon, sira pa rin ang pader ng Jerusalem at sunog ang mga pintuan nito.”

4Nang marinig ko iyon, umupo ako at umiyak. Ilang araw akong nagdalamhati, nag-ayuno, at nanalangin sa presensya ng Diyos ng langit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.