Nehemias 10

“Nangako pa kami na tutuparin namin ang utos na magbibigay kami bawat taon ng apat na gramong pilak para sa gawain sa bahay ng aming Diyos.

Nehemiah 10:32 (UKJV) Also we made ordinances for us, to charge ourselves yearly with the third part of a shekel for the service of the house of our God;

30“Nangako kami na hindi namin papayagang makapag-asawa ang mga anak namin ng mga dayuhang naninirahan sa aming lupain.

31“Nangako rin kami na hindi kami bibili kung ipagbibili ng mga dayuhan ang trigo nila o kahit anong ipinagbibili sa Araw ng Pamamahinga o sa ibang banal na araw. At tuwing ikapitong taon, hindi kami magtatanim sa aming lupain, at hindi na namin sisingilin ang mga may utang sa amin.

32“Nangako pa kami na tutuparin namin ang utos na magbibigay kami bawat taon ng apat na gramong pilak para sa gawain sa bahay ng aming Diyos.

33Nakalaan ito para sa tinapay na inihahandog sa presensya ng Diyos, sa mga handog na sinusunog at mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon na inihahandog araw-araw, sa mga handog para sa Araw ng Pamamahinga, para sa Pista ng Bagong Buwan, at sa iba pang mga pista; maging sa iba pang mga banal na handog tulad ng handog para sa kasalanan na inihahandog upang matubos ang mga mamamayan ng Israel sa kanilang mga kasalanan. Ginagamit din ang pilak na ito sa iba pang mga pangangailangan sa Templo ng aming Diyos.

34“Nagpalabunutan kaming lahat, pati ang mga pari namin at mga Levita, upang malaman kung kailan magdadala ng panggatong ang bawat pamilya bawat taon upang gamitin sa mga handog sa altar ng Panginoon na aming Diyos, ayon sa nasusulat sa Kautusan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.