Nehemias 11

ang 822 lalaking kasama nilang nagpapagal sa templo; si Adaias na anak ni Jeroham (si Jeroham ay anak ni Pelalias; si Pelalias ay anak ni Amzi; si Amzi ay anak ni Zacarias; si Zacarias ay anak ni Pashur; at si Pashur ay anak ni Malquias);

Nehemiah 11:12 (UKJV) And their brethren that did the work of the house were eight hundred twenty and two: and Adaiah the son of Jeroham, the son of Pelaliah, the son of Amzi, the son of Zechariah, the son of Pashur, the son of Malchiah.

10Mula sa mga Pari: si Jedaias na anak ni Joiarib, si Jaquin,

11at si Seraias na anak ni Hilkias (si Hilkias ay anak ni Mesulam; si Mesulam ay anak ni Sadoc; si Sadoc ay anak ni Meraiot; at si Meraiot ay anak ni Ahitob na namamahala sa bahay ng Diyos);

12ang 822 lalaking kasama nilang nagpapagal sa templo; si Adaias na anak ni Jeroham (si Jeroham ay anak ni Pelalias; si Pelalias ay anak ni Amzi; si Amzi ay anak ni Zacarias; si Zacarias ay anak ni Pashur; at si Pashur ay anak ni Malquias);

13ang mga kasama ni Adaias na 242 lalaking pinuno ng mga pamilya; si Amasai na anak ni Azarel (si Azarel ay anak ni Azai; si Azai ay anak ni Mesilemot; at si Mesilemot ay anak ni Imer);

14at ang mga kasama ni Amasai na 128 matatapang na lalaki. Si Zabdiel na anak ni Hagedolim ang pinakapinuno nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.