Nehemias 11

at ang mga kasama ni Amasai na 128 matatapang na lalaki. Si Zabdiel na anak ni Hagedolim ang pinakapinuno nila.

Nehemiah 11:14 (UKJV) And their brethren, mighty men of valour, an hundred twenty and eight: and their overseer was Zabdiel, the son of one of the great men.

12ang 822 lalaking kasama nilang nagpapagal sa templo; si Adaias na anak ni Jeroham (si Jeroham ay anak ni Pelalias; si Pelalias ay anak ni Amzi; si Amzi ay anak ni Zacarias; si Zacarias ay anak ni Pashur; at si Pashur ay anak ni Malquias);

13ang mga kasama ni Adaias na 242 lalaking pinuno ng mga pamilya; si Amasai na anak ni Azarel (si Azarel ay anak ni Azai; si Azai ay anak ni Mesilemot; at si Mesilemot ay anak ni Imer);

14at ang mga kasama ni Amasai na 128 matatapang na lalaki. Si Zabdiel na anak ni Hagedolim ang pinakapinuno nila.

15Mula sa mga Levita: si Semaias na anak ni Hasub (si Hasub ay anak ni Azrikam; si Azrikam ay anak ni Hashabias; at si Hashabias ay anak ni Buni);

16si Sabetai at si Jozabad na dalawang pinuno ng mga Levita, mga katiwalang namamahala sa mga gawain sa labas ng bahay ng Diyos;

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.