Nehemias 11

si Sabetai at si Jozabad na dalawang pinuno ng mga Levita, mga katiwalang namamahala sa mga gawain sa labas ng bahay ng Diyos;

Nehemiah 11:16 (UKJV) And Shabbethai and Jozabad, of the chief of the Levites, had the oversight of the outward business of the house of God.

14at ang mga kasama ni Amasai na 128 matatapang na lalaki. Si Zabdiel na anak ni Hagedolim ang pinakapinuno nila.

15Mula sa mga Levita: si Semaias na anak ni Hasub (si Hasub ay anak ni Azrikam; si Azrikam ay anak ni Hashabias; at si Hashabias ay anak ni Buni);

16si Sabetai at si Jozabad na dalawang pinuno ng mga Levita, mga katiwalang namamahala sa mga gawain sa labas ng bahay ng Diyos;

17si Matanias na anak ni Mica (si Mica ay anak ni Zabdi, at si Zabdi ay anak ni Asaf). Si Matanias ang nangunguna sa mga mang-aawit na umaawit ng pananalangin at pasasalamat. Si Bacbuquias na kasama ni Matanias; si Abda na anak ni Samua (si Samua ay anak ni Galal, at si Galal ay anak ni Jedutun).

18May 248 lahat ang mga Levita na nakatira sa banal na lungsod.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.