Nehemias 11

si Matanias na anak ni Mica (si Mica ay anak ni Zabdi, at si Zabdi ay anak ni Asaf). Si Matanias ang nangunguna sa mga mang-aawit na umaawit ng pananalangin at pasasalamat. Si Bacbuquias na kasama ni Matanias; si Abda na anak ni Samua (si Samua ay anak ni Galal, at si Galal ay anak ni Jedutun).

Nehemiah 11:17 (UKJV) And Mattaniah the son of Micha, the son of Zabdi, the son of Asaph, was the principal to begin the thanksgiving in prayer: and Bakbukiah the second among his brethren, and Abda the son of Shammua, the son of Galal, the son of Jeduthun.

15Mula sa mga Levita: si Semaias na anak ni Hasub (si Hasub ay anak ni Azrikam; si Azrikam ay anak ni Hashabias; at si Hashabias ay anak ni Buni);

16si Sabetai at si Jozabad na dalawang pinuno ng mga Levita, mga katiwalang namamahala sa mga gawain sa labas ng bahay ng Diyos;

17si Matanias na anak ni Mica (si Mica ay anak ni Zabdi, at si Zabdi ay anak ni Asaf). Si Matanias ang nangunguna sa mga mang-aawit na umaawit ng pananalangin at pasasalamat. Si Bacbuquias na kasama ni Matanias; si Abda na anak ni Samua (si Samua ay anak ni Galal, at si Galal ay anak ni Jedutun).

18May 248 lahat ang mga Levita na nakatira sa banal na lungsod.

19Mula sa mga tagapagbantay ng mga pintuan: si Akub at si Talmon, at ang mga kasama nilang 172 lalaking tagapagbantay ng pintuan ng Templo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.