Nehemias 11

May 248 lahat ang mga Levita na nakatira sa banal na lungsod.

Nehemiah 11:18 (UKJV) All the Levites in the holy city were two hundred fourscore and four.

16si Sabetai at si Jozabad na dalawang pinuno ng mga Levita, mga katiwalang namamahala sa mga gawain sa labas ng bahay ng Diyos;

17si Matanias na anak ni Mica (si Mica ay anak ni Zabdi, at si Zabdi ay anak ni Asaf). Si Matanias ang nangunguna sa mga mang-aawit na umaawit ng pananalangin at pasasalamat. Si Bacbuquias na kasama ni Matanias; si Abda na anak ni Samua (si Samua ay anak ni Galal, at si Galal ay anak ni Jedutun).

18May 248 lahat ang mga Levita na nakatira sa banal na lungsod.

19Mula sa mga tagapagbantay ng mga pintuan: si Akub at si Talmon, at ang mga kasama nilang 172 lalaking tagapagbantay ng pintuan ng Templo.

20Ang ibang mga Israelita, pati ang mga pari at mga Levita ay nakatira sa mga lupaing minana nila sa kanilang mga ninuno sa ibaʼt ibang mga bayan ng Juda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.