17si Matanias na anak ni Mica (si Mica ay anak ni Zabdi, at si Zabdi ay anak ni Asaf). Si Matanias ang nangunguna sa mga mang-aawit na umaawit ng pananalangin at pasasalamat. Si Bacbuquias na kasama ni Matanias; si Abda na anak ni Samua (si Samua ay anak ni Galal, at si Galal ay anak ni Jedutun).
18May 248 lahat ang mga Levita na nakatira sa banal na lungsod.
19Mula sa mga tagapagbantay ng mga pintuan: si Akub at si Talmon, at ang mga kasama nilang 172 lalaking tagapagbantay ng pintuan ng Templo.
20Ang ibang mga Israelita, pati ang mga pari at mga Levita ay nakatira sa mga lupaing minana nila sa kanilang mga ninuno sa ibaʼt ibang mga bayan ng Juda.
21Ngunit ang mga tagapaglingkod sa Templo na pinangungunahan nina Ziha at Gispa ay doon tumira sa bulubundukin ng Ofel.