Nehemias 11

Ngunit ang mga tagapaglingkod sa Templo na pinangungunahan nina Ziha at Gispa ay doon tumira sa bulubundukin ng Ofel.

Nehemiah 11:21 (UKJV) But the Nethinims dwelt in Ophel: and Ziha and Gispa were over the Nethinims.

19Mula sa mga tagapagbantay ng mga pintuan: si Akub at si Talmon, at ang mga kasama nilang 172 lalaking tagapagbantay ng pintuan ng Templo.

20Ang ibang mga Israelita, pati ang mga pari at mga Levita ay nakatira sa mga lupaing minana nila sa kanilang mga ninuno sa ibaʼt ibang mga bayan ng Juda.

21Ngunit ang mga tagapaglingkod sa Templo na pinangungunahan nina Ziha at Gispa ay doon tumira sa bulubundukin ng Ofel.

22Ang pinakapinuno ng mga Levita sa Jerusalem ay si Uzi na anak ni Bani na anak ni Hasabias; si Hasabias ay anak ni Matanias na anak ni Mica. Si Uzi ay isa sa mga angkan ni Asaf na mang-aawit sa bahay ng Diyos.

23Ang hari ang nag-uutos sa kanila tungkol sa mga gagawin nila sa bawat araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.