Nehemias 11

Ang pinakapinuno ng mga Levita sa Jerusalem ay si Uzi na anak ni Bani na anak ni Hasabias; si Hasabias ay anak ni Matanias na anak ni Mica. Si Uzi ay isa sa mga angkan ni Asaf na mang-aawit sa bahay ng Diyos.

Nehemiah 11:22 (UKJV) The overseer also of the Levites at Jerusalem was Uzzi the son of Bani, the son of Hashabiah, the son of Mattaniah, the son of Micha. Of the sons of Asaph, the singers were over the business of the house of God.

20Ang ibang mga Israelita, pati ang mga pari at mga Levita ay nakatira sa mga lupaing minana nila sa kanilang mga ninuno sa ibaʼt ibang mga bayan ng Juda.

21Ngunit ang mga tagapaglingkod sa Templo na pinangungunahan nina Ziha at Gispa ay doon tumira sa bulubundukin ng Ofel.

22Ang pinakapinuno ng mga Levita sa Jerusalem ay si Uzi na anak ni Bani na anak ni Hasabias; si Hasabias ay anak ni Matanias na anak ni Mica. Si Uzi ay isa sa mga angkan ni Asaf na mang-aawit sa bahay ng Diyos.

23Ang hari ang nag-uutos sa kanila tungkol sa mga gagawin nila sa bawat araw.

24Si Petahias na anak ni Mesezabel, na isa sa mga angkan ni Zera na anak ni Juda, ang kinatawan ng hari sa bayan sa lahat ng mga bagay na patungkol sa mga tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.