Nehemias 12

Sumusunod naman kay Zacarias ang mga kasama niyang sina Semaias, Azarel, Milalai, Gilalai, Maai, Netanael, Juda at Hanani. May dala silang mga instrumento katulad ng mga tinutugtog noon ni Haring David na lingkod ng Diyos. Ang grupong ito ay pinapangunahan ni Ezra na tagapagturo ng kautusan.

Nehemiah 12:36 (UKJV) And his brethren, Shemaiah, and Azarael, Milalai, Gilalai, Maai, Nethaneel, and Judah, Hanani, with the musical instruments of David the man of God, and Ezra the scribe before them.

34Juda, Benjamin, Semaias, Jeremias,

35at ilang mga pari na nagpapatunog ng trumpeta. Sumusunod din si Zacarias na anak ni Jonatan. (Si Jonatan ay anak ni Semaias. Si Semaias ay anak ni Matanias. Si Matanias ay anak ni Micaias. At si Micaias ay anak ni Zacur na angkan ni Asaf.)

36Sumusunod naman kay Zacarias ang mga kasama niyang sina Semaias, Azarel, Milalai, Gilalai, Maai, Netanael, Juda at Hanani. May dala silang mga instrumento katulad ng mga tinutugtog noon ni Haring David na lingkod ng Diyos. Ang grupong ito ay pinapangunahan ni Ezra na tagapagturo ng kautusan.

37Pagdating nila sa Pintuan ng Bukal, umakyat sila sa daang parang hagdan na papuntang Lungsod ni David. Dumaan sila sa palasyo ni David hanggang makarating sila sa Pintuan ng Tubig, sa gawing silangan ng lungsod.

38Ang ikalawang grupo ay nagmartsa pakaliwa sa itaas ng pader. Sumunod ako sa grupong ito kasama ang kalahati ng mamamayan. Dumaan kami sa gilid ng Tore na May Hurno papunta sa Malapad na Pader.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.