Nehemias 12

Mula pa ng panahon ni Haring David at ni Asaf, mayroon nang mga namumuno sa mga umaawit ng papuri at pasasalamat sa Diyos.

Nehemiah 12:46 (UKJV) For in the days of David and Asaph of old there were chief of the singers, and songs of praise and thanksgiving unto God.

44Nang araw ding iyon, naglagay sila ng mga lalaki na mamamahala sa mga bodega na pinaglalagyan ng mga kaloob, ng unang ani, at ng ikapu. Sila ang mangongolekta ng mga handog mula sa mga sakahan sa paligid ng mga bayan para sa mga pari at sa mga Levita, ayon sa Kautusan. Sapagkat natutuwa ang mga mamamayan ng Juda sa mga gawain ng mga pari at ng mga Levita.

45Ginawa nila ang seremonya sa paglilinis at ang iba pang mga gawain na ipinapatupad sa kanila ng Diyos. Ginawa rin ng mga mang-aawit at ng mga tagapagbantay ng Templo ang mga gawain nila ayon sa mga utos ni Haring David at ng anak niyang si Solomon.

46Mula pa ng panahon ni Haring David at ni Asaf, mayroon nang mga namumuno sa mga umaawit ng papuri at pasasalamat sa Diyos.

47Kaya noong panahon ni Zerubabel at ni Nehemias, ang lahat ng mga Israelita ay nagbibigay ng mga handog nila para sa mga mang-aawit at mga tagapagbantay ng Templo, maging sa mga Levita. At mula sa mga natatanggap nila, binahaginan din ng mga Levita ang mga paring mula sa angkan ni Aaron.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.