9Agad kong iniutos na linisin ang kuwarto. At pagkatapos, pinabalik ko roon ang mga kagamitan ng bahay ng Diyos pati ang mga handog na pagkain at ang insenso.
10Nalaman ko rin na ang mga Levita ay hindi na nabigyan ng bahagi na para sa kanila, kaya sila at ang mga mang-aawit na pinagkatiwalaan ng mga gawain sa Templo ay nagsiuwi upang magsaka.
11Kaya pinagsabihan ko ang mga opisyal, “Bakit pinapabayaan nʼyo ang bahay ng Diyos?” Ipinatawag ko agad ang mga Levita at ang mga mang-aawit at pinabalik sa mga gawain nila sa Templo.
12At muli ang lahat ng mamamayan ng Juda ay nagdala ng ikapu ng kanilang mga trigo, bagong alak, at langis doon sa mga bodega.
13Ang pinamahala ko sa mga bodega ay si Selemias na pari, si Sadoc na tagapagturo ng kautusan, at ang Levitang si Pedaias. Pinatulong ko rin sa kanila si Hanan na anak ni Zacur at apo ni Matanias. Sila ang pinili dahil maaasahan sila. Ipinagkatiwala ko rin sa kanila ang pamamahagi ng mga pangangailangan ng kapwa nila manggagawa sa Templo.