7na makabalik sa Jerusalem. At pagdating ko, nalaman ko ang masamang ginawa ni Eliasib na nagpatira kay Tobias sa kuwarto na nasa harapan ng bahay ng Diyos.
8Sa tindi ng galit ko, pinagtatapon ko ang lahat ng kagamitan ni Tobias palabas ng kuwarto.
9Agad kong iniutos na linisin ang kuwarto. At pagkatapos, pinabalik ko roon ang mga kagamitan ng bahay ng Diyos pati ang mga handog na pagkain at ang insenso.
10Nalaman ko rin na ang mga Levita ay hindi na nabigyan ng bahagi na para sa kanila, kaya sila at ang mga mang-aawit na pinagkatiwalaan ng mga gawain sa Templo ay nagsiuwi upang magsaka.
11Kaya pinagsabihan ko ang mga opisyal, “Bakit pinapabayaan nʼyo ang bahay ng Diyos?” Ipinatawag ko agad ang mga Levita at ang mga mang-aawit at pinabalik sa mga gawain nila sa Templo.