Nehemias 13

na makabalik sa Jerusalem. At pagdating ko, nalaman ko ang masamang ginawa ni Eliasib na nagpatira kay Tobias sa kuwarto na nasa harapan ng bahay ng Diyos.

Nehemiah 13:7 (UKJV) And I came to Jerusalem, and understood of the evil that Eliashib did for Tobiah, in preparing him a chamber in the courts of the house of God.

5ay nagpahintulot kay Tobias na gamitin ang malaking kuwarto sa Templo. Ang kuwartong ito ay ginagamit noon na bodega para sa mga handog na pagkain, insenso, mga kagamitan sa Templo, mga handog sa mga pari, mga ikapu ng mga trigo, bagong alak, at langis, na ayon sa Kautusan ay para sa mga Levita, sa mga mang-aawit, at sa mga tagapagbantay ng Templo.

6Wala pa ako sa Jerusalem nang mangyari ito, dahil noong ikatatlumpuʼt dalawang taon ng paghahari ni Artaherhes sa Babilonia, pumunta ako sa kanya. Kinalaunan, pinayagan din niya ako

7na makabalik sa Jerusalem. At pagdating ko, nalaman ko ang masamang ginawa ni Eliasib na nagpatira kay Tobias sa kuwarto na nasa harapan ng bahay ng Diyos.

8Sa tindi ng galit ko, pinagtatapon ko ang lahat ng kagamitan ni Tobias palabas ng kuwarto.

9Agad kong iniutos na linisin ang kuwarto. At pagkatapos, pinabalik ko roon ang mga kagamitan ng bahay ng Diyos pati ang mga handog na pagkain at ang insenso.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.