Nehemias 13

Wala pa ako sa Jerusalem nang mangyari ito, dahil noong ikatatlumpuʼt dalawang taon ng paghahari ni Artaherhes sa Babilonia, pumunta ako sa kanya. Kinalaunan, pinayagan din niya ako

Nehemiah 13:6 (UKJV) But in all this time was not I at Jerusalem: for in the two and thirtieth year of Artaxerxes king of Babylon came I unto the king, and after certain days obtained I leave of the king:

4Bago ito nangyari, si Eliasib na pari, na namamahala ng mga bodega sa bahay ng aming Diyos at kamag-anak ni Tobias,

5ay nagpahintulot kay Tobias na gamitin ang malaking kuwarto sa Templo. Ang kuwartong ito ay ginagamit noon na bodega para sa mga handog na pagkain, insenso, mga kagamitan sa Templo, mga handog sa mga pari, mga ikapu ng mga trigo, bagong alak, at langis, na ayon sa Kautusan ay para sa mga Levita, sa mga mang-aawit, at sa mga tagapagbantay ng Templo.

6Wala pa ako sa Jerusalem nang mangyari ito, dahil noong ikatatlumpuʼt dalawang taon ng paghahari ni Artaherhes sa Babilonia, pumunta ako sa kanya. Kinalaunan, pinayagan din niya ako

7na makabalik sa Jerusalem. At pagdating ko, nalaman ko ang masamang ginawa ni Eliasib na nagpatira kay Tobias sa kuwarto na nasa harapan ng bahay ng Diyos.

8Sa tindi ng galit ko, pinagtatapon ko ang lahat ng kagamitan ni Tobias palabas ng kuwarto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.