Nehemias 13

ay nagpahintulot kay Tobias na gamitin ang malaking kuwarto sa Templo. Ang kuwartong ito ay ginagamit noon na bodega para sa mga handog na pagkain, insenso, mga kagamitan sa Templo, mga handog sa mga pari, mga ikapu ng mga trigo, bagong alak, at langis, na ayon sa Kautusan ay para sa mga Levita, sa mga mang-aawit, at sa mga tagapagbantay ng Templo.

Nehemiah 13:5 (UKJV) And he had prepared for him a great chamber, where in old times they laid the food offerings, the frankincense, and the vessels, and the tithes of the corn, the new wine, and the oil, which was commanded to be given to the Levites, and the singers, and the porters; and the offerings of the priests.

3Nang marinig ng mga tao ang kautusang iyon, hindi na nila isinama ang mga hindi tunay na Israelita.

4Bago ito nangyari, si Eliasib na pari, na namamahala ng mga bodega sa bahay ng aming Diyos at kamag-anak ni Tobias,

5ay nagpahintulot kay Tobias na gamitin ang malaking kuwarto sa Templo. Ang kuwartong ito ay ginagamit noon na bodega para sa mga handog na pagkain, insenso, mga kagamitan sa Templo, mga handog sa mga pari, mga ikapu ng mga trigo, bagong alak, at langis, na ayon sa Kautusan ay para sa mga Levita, sa mga mang-aawit, at sa mga tagapagbantay ng Templo.

6Wala pa ako sa Jerusalem nang mangyari ito, dahil noong ikatatlumpuʼt dalawang taon ng paghahari ni Artaherhes sa Babilonia, pumunta ako sa kanya. Kinalaunan, pinayagan din niya ako

7na makabalik sa Jerusalem. At pagdating ko, nalaman ko ang masamang ginawa ni Eliasib na nagpatira kay Tobias sa kuwarto na nasa harapan ng bahay ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.