2Dahil hindi nila binigyan ng pagkain at inumin ang mga Israelita nang lumabas sila sa Ehipto. Sa halip, inupahan nila si Balaam na isumpa ang mga Israelita. Ngunit sa halip na sumpa, ginawa ito ng Diyos na pagpapala.
3Nang marinig ng mga tao ang kautusang iyon, hindi na nila isinama ang mga hindi tunay na Israelita.
4Bago ito nangyari, si Eliasib na pari, na namamahala ng mga bodega sa bahay ng aming Diyos at kamag-anak ni Tobias,
5ay nagpahintulot kay Tobias na gamitin ang malaking kuwarto sa Templo. Ang kuwartong ito ay ginagamit noon na bodega para sa mga handog na pagkain, insenso, mga kagamitan sa Templo, mga handog sa mga pari, mga ikapu ng mga trigo, bagong alak, at langis, na ayon sa Kautusan ay para sa mga Levita, sa mga mang-aawit, at sa mga tagapagbantay ng Templo.
6Wala pa ako sa Jerusalem nang mangyari ito, dahil noong ikatatlumpuʼt dalawang taon ng paghahari ni Artaherhes sa Babilonia, pumunta ako sa kanya. Kinalaunan, pinayagan din niya ako