1Nang araw na iyon, binasa ang Kautusan ni Moises sa mga tao. At nalaman nilang ipinagbabawal ang mga Amonita at mga Moabita na makihalubilo sa mga mamamayan ng Diyos.
2Dahil hindi nila binigyan ng pagkain at inumin ang mga Israelita nang lumabas sila sa Ehipto. Sa halip, inupahan nila si Balaam na isumpa ang mga Israelita. Ngunit sa halip na sumpa, ginawa ito ng Diyos na pagpapala.
3Nang marinig ng mga tao ang kautusang iyon, hindi na nila isinama ang mga hindi tunay na Israelita.
4Bago ito nangyari, si Eliasib na pari, na namamahala ng mga bodega sa bahay ng aming Diyos at kamag-anak ni Tobias,