Nehemias 13

Ngunit binalaan ko sila. Sinabi ko, “Bakit dito kayo natutulog sa pader ng lungsod? Kapag inulit nʼyo pa ito, palalayasin ko kayo.” Kaya mula noon, hindi na sila bumalik sa Araw ng Pamamahinga.

Nehemiah 13:21 (UKJV) Then I testified against them, and said unto them, Why lodge all of you about the wall? if all of you do so again, I will lay hands on you. From that time forth came they no more on the sabbath.

19Kaya nag-utos ako na isara ang pintuan ng Jerusalem tuwing Biyernes habang papalubog ang araw, at huwag itong bubuksan hanggaʼt hindi pa natatapos ang Araw ng Pamamahinga. Pinabantayan ko sa mga tauhan ko ang mga pintuan upang walang makapasok na kahit anong tinda sa lungsod sa Araw ng Pamamahinga.

20Kung minsan, ang mga mangangalakal ay natutulog sa labas ng Jerusalem kapag Biyernes ng gabi.

21Ngunit binalaan ko sila. Sinabi ko, “Bakit dito kayo natutulog sa pader ng lungsod? Kapag inulit nʼyo pa ito, palalayasin ko kayo.” Kaya mula noon, hindi na sila bumalik sa Araw ng Pamamahinga.

22Pagkatapos, inutusan ko ang mga Levita na maging malinis at magbantay sa mga pintuan upang ituring na banal ng mga tao ang Araw ng Pamamahinga. O aking Diyos, alalahanin po ninyo ang mga ginawa kong ito, at kaawaan nʼyo ako ayon sa dakila nʼyong pag-ibig.

23Nang mga panahon ding iyon, nakita ko na may mga taga-Juda na nakapag-asawa ng mga babaeng taga-Asdod, taga-Amon, at taga-Moab.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.