Nehemias 13

Kung minsan, ang mga mangangalakal ay natutulog sa labas ng Jerusalem kapag Biyernes ng gabi.

Nehemiah 13:20 (UKJV) So the merchants and sellers of all kind of ware lodged without Jerusalem once or twice.

18Hindi ba ganito rin ang ginawa ng inyong mga ninuno, kaya tayo at ang lungsod na ito ay pinarusahan ng ating Diyos? Ngayon, ginalit pa ninyo nang lubos ang Diyos dahil sa ginagawa ninyo, dahil linapastangan ninyo ang Araw ng Pamamahinga.”

19Kaya nag-utos ako na isara ang pintuan ng Jerusalem tuwing Biyernes habang papalubog ang araw, at huwag itong bubuksan hanggaʼt hindi pa natatapos ang Araw ng Pamamahinga. Pinabantayan ko sa mga tauhan ko ang mga pintuan upang walang makapasok na kahit anong tinda sa lungsod sa Araw ng Pamamahinga.

20Kung minsan, ang mga mangangalakal ay natutulog sa labas ng Jerusalem kapag Biyernes ng gabi.

21Ngunit binalaan ko sila. Sinabi ko, “Bakit dito kayo natutulog sa pader ng lungsod? Kapag inulit nʼyo pa ito, palalayasin ko kayo.” Kaya mula noon, hindi na sila bumalik sa Araw ng Pamamahinga.

22Pagkatapos, inutusan ko ang mga Levita na maging malinis at magbantay sa mga pintuan upang ituring na banal ng mga tao ang Araw ng Pamamahinga. O aking Diyos, alalahanin po ninyo ang mga ginawa kong ito, at kaawaan nʼyo ako ayon sa dakila nʼyong pag-ibig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.