Nehemias 13

Hindi ba ganito rin ang ginawa ng inyong mga ninuno, kaya tayo at ang lungsod na ito ay pinarusahan ng ating Diyos? Ngayon, ginalit pa ninyo nang lubos ang Diyos dahil sa ginagawa ninyo, dahil linapastangan ninyo ang Araw ng Pamamahinga.”

Nehemiah 13:18 (UKJV) Did not your fathers thus, and did not our God bring all this evil upon us, and upon this city? yet all of you bring more wrath upon Israel by profaning the sabbath.

16Mayroon ding mga taga-Tiro na nakatira sa Jerusalem na nagdala ng mga isda at iba pang mga kalakal. Ibinenta nila ito sa mga taga-Juda na nasa Jerusalem sa Araw ng Pamamahinga.

17Kaya sinaway ko ang mga pinuno ng Juda at sinabihan, “Ano ba itong ginagawa ninyong kasamaan? Bakit nilalapastangan ninyo ang Araw ng Pamamahinga?

18Hindi ba ganito rin ang ginawa ng inyong mga ninuno, kaya tayo at ang lungsod na ito ay pinarusahan ng ating Diyos? Ngayon, ginalit pa ninyo nang lubos ang Diyos dahil sa ginagawa ninyo, dahil linapastangan ninyo ang Araw ng Pamamahinga.”

19Kaya nag-utos ako na isara ang pintuan ng Jerusalem tuwing Biyernes habang papalubog ang araw, at huwag itong bubuksan hanggaʼt hindi pa natatapos ang Araw ng Pamamahinga. Pinabantayan ko sa mga tauhan ko ang mga pintuan upang walang makapasok na kahit anong tinda sa lungsod sa Araw ng Pamamahinga.

20Kung minsan, ang mga mangangalakal ay natutulog sa labas ng Jerusalem kapag Biyernes ng gabi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.