Nehemias 13

Kaya sinaway ko ang mga pinuno ng Juda at sinabihan, “Ano ba itong ginagawa ninyong kasamaan? Bakit nilalapastangan ninyo ang Araw ng Pamamahinga?

Nehemiah 13:17 (UKJV) Then I contended with the nobles of Judah, and said unto them, What evil thing is this that all of you do, and profane the sabbath day?

15Nang oras na iyon, may nakita akong mga taga-Juda na pumipisa ng mga ubas sa Araw ng Pamamahinga. Ang iba sa kanila ay nagkakarga ng mga trigo, alak, ubas, igos, at iba pang mga bagay sa mga asno upang dalhin sa Jerusalem para ibenta. Kaya pinagsabihan ko sila na huwag ibenta ang mga produkto nila sa Araw ng Pamamahinga.

16Mayroon ding mga taga-Tiro na nakatira sa Jerusalem na nagdala ng mga isda at iba pang mga kalakal. Ibinenta nila ito sa mga taga-Juda na nasa Jerusalem sa Araw ng Pamamahinga.

17Kaya sinaway ko ang mga pinuno ng Juda at sinabihan, “Ano ba itong ginagawa ninyong kasamaan? Bakit nilalapastangan ninyo ang Araw ng Pamamahinga?

18Hindi ba ganito rin ang ginawa ng inyong mga ninuno, kaya tayo at ang lungsod na ito ay pinarusahan ng ating Diyos? Ngayon, ginalit pa ninyo nang lubos ang Diyos dahil sa ginagawa ninyo, dahil linapastangan ninyo ang Araw ng Pamamahinga.”

19Kaya nag-utos ako na isara ang pintuan ng Jerusalem tuwing Biyernes habang papalubog ang araw, at huwag itong bubuksan hanggaʼt hindi pa natatapos ang Araw ng Pamamahinga. Pinabantayan ko sa mga tauhan ko ang mga pintuan upang walang makapasok na kahit anong tinda sa lungsod sa Araw ng Pamamahinga.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.