Nehemias 13

Nang oras na iyon, may nakita akong mga taga-Juda na pumipisa ng mga ubas sa Araw ng Pamamahinga. Ang iba sa kanila ay nagkakarga ng mga trigo, alak, ubas, igos, at iba pang mga bagay sa mga asno upang dalhin sa Jerusalem para ibenta. Kaya pinagsabihan ko sila na huwag ibenta ang mga produkto nila sa Araw ng Pamamahinga.

Nehemiah 13:15 (UKJV) In those days saw I in Judah some treading wine presses on the sabbath, and bringing in sheaves, and lading asses; as also wine, grapes, and figs, and all manner of burdens, which they brought into Jerusalem on the sabbath day: and I testified against them in the day wherein they sold victuals.

13Ang pinamahala ko sa mga bodega ay si Selemias na pari, si Sadoc na tagapagturo ng kautusan, at ang Levitang si Pedaias. Pinatulong ko rin sa kanila si Hanan na anak ni Zacur at apo ni Matanias. Sila ang pinili dahil maaasahan sila. Ipinagkatiwala ko rin sa kanila ang pamamahagi ng mga pangangailangan ng kapwa nila manggagawa sa Templo.

14O aking Diyos, alalahanin po ninyo ako at huwag kalimutan ang tapat kong paglilingkod para sa inyong Templo at sa mga gawain dito.

15Nang oras na iyon, may nakita akong mga taga-Juda na pumipisa ng mga ubas sa Araw ng Pamamahinga. Ang iba sa kanila ay nagkakarga ng mga trigo, alak, ubas, igos, at iba pang mga bagay sa mga asno upang dalhin sa Jerusalem para ibenta. Kaya pinagsabihan ko sila na huwag ibenta ang mga produkto nila sa Araw ng Pamamahinga.

16Mayroon ding mga taga-Tiro na nakatira sa Jerusalem na nagdala ng mga isda at iba pang mga kalakal. Ibinenta nila ito sa mga taga-Juda na nasa Jerusalem sa Araw ng Pamamahinga.

17Kaya sinaway ko ang mga pinuno ng Juda at sinabihan, “Ano ba itong ginagawa ninyong kasamaan? Bakit nilalapastangan ninyo ang Araw ng Pamamahinga?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.