Nehemias 13

Kalahati sa mga anak nila ay nagsasalita ng wikang Asdod o sa wika ng ibang tao, at hindi sila makapagsalita ng wika ng Juda.

Nehemiah 13:24 (UKJV) And their children spoke half in the speech of Ashdod, and could not speak in the Jews' language, but according to the language of each people.

22Pagkatapos, inutusan ko ang mga Levita na maging malinis at magbantay sa mga pintuan upang ituring na banal ng mga tao ang Araw ng Pamamahinga. O aking Diyos, alalahanin po ninyo ang mga ginawa kong ito, at kaawaan nʼyo ako ayon sa dakila nʼyong pag-ibig.

23Nang mga panahon ding iyon, nakita ko na may mga taga-Juda na nakapag-asawa ng mga babaeng taga-Asdod, taga-Amon, at taga-Moab.

24Kalahati sa mga anak nila ay nagsasalita ng wikang Asdod o sa wika ng ibang tao, at hindi sila makapagsalita ng wika ng Juda.

25Kaya sinaway ko at sinumpa ang mga taga-Juda. Pinalo ko ang iba sa kanila at hinila ang mga buhok nila. Ipinasumpa ko sila at ang mga anak nila sa pangalan ng Diyos na hinding-hindi na sila mag-aasawa ng mga dayuhan.

26At sinabi ko sa kanila, “Hindi ba ito ang dahilan ng pagkakasala ni Haring Solomon ng Israel? Walang haring katulad niya, saan mang bansa. Minamahal siya ng kanyang Diyos, at ginawa siya ng Diyos na hari sa buong Israel. Ngunit sa kabila ng lahat, nagkasala siya dahil sa udyok ng mga asawa niyang dayuhan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.