Nehemias 13

At sinabi ko sa kanila, “Hindi ba ito ang dahilan ng pagkakasala ni Haring Solomon ng Israel? Walang haring katulad niya, saan mang bansa. Minamahal siya ng kanyang Diyos, at ginawa siya ng Diyos na hari sa buong Israel. Ngunit sa kabila ng lahat, nagkasala siya dahil sa udyok ng mga asawa niyang dayuhan.

Nehemiah 13:26 (UKJV) Did not Solomon king of Israel sin by these things? yet among many nations was there no king like him, who was beloved of his God, and God made him king over all Israel: nevertheless even him did foreign women cause to sin.

24Kalahati sa mga anak nila ay nagsasalita ng wikang Asdod o sa wika ng ibang tao, at hindi sila makapagsalita ng wika ng Juda.

25Kaya sinaway ko at sinumpa ang mga taga-Juda. Pinalo ko ang iba sa kanila at hinila ang mga buhok nila. Ipinasumpa ko sila at ang mga anak nila sa pangalan ng Diyos na hinding-hindi na sila mag-aasawa ng mga dayuhan.

26At sinabi ko sa kanila, “Hindi ba ito ang dahilan ng pagkakasala ni Haring Solomon ng Israel? Walang haring katulad niya, saan mang bansa. Minamahal siya ng kanyang Diyos, at ginawa siya ng Diyos na hari sa buong Israel. Ngunit sa kabila ng lahat, nagkasala siya dahil sa udyok ng mga asawa niyang dayuhan.

27At ano, pababayaan na lang ba namin ang kasamaang ito na ginawa nʼyo, ang pagiging hindi tapat sa ating Diyos sa pamamagitan ng pag-aasawa ng dayuhan?”

28Si Joiada na anak na lalaki ng punong pari na si Eliasib ay may anak na nakipag-asawa sa anak ni Sanbalat na taga-Horon, kaya pinalayas ko siya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.