Nehemias 13

Si Joiada na anak na lalaki ng punong pari na si Eliasib ay may anak na nakipag-asawa sa anak ni Sanbalat na taga-Horon, kaya pinalayas ko siya.

Nehemiah 13:28 (UKJV) And one of the sons of Joiada, the son of Eliashib the high priest, was son in law to Sanballat the Horonite: therefore I chased him from me.

26At sinabi ko sa kanila, “Hindi ba ito ang dahilan ng pagkakasala ni Haring Solomon ng Israel? Walang haring katulad niya, saan mang bansa. Minamahal siya ng kanyang Diyos, at ginawa siya ng Diyos na hari sa buong Israel. Ngunit sa kabila ng lahat, nagkasala siya dahil sa udyok ng mga asawa niyang dayuhan.

27At ano, pababayaan na lang ba namin ang kasamaang ito na ginawa nʼyo, ang pagiging hindi tapat sa ating Diyos sa pamamagitan ng pag-aasawa ng dayuhan?”

28Si Joiada na anak na lalaki ng punong pari na si Eliasib ay may anak na nakipag-asawa sa anak ni Sanbalat na taga-Horon, kaya pinalayas ko siya.

29O aking Diyos, huwag nʼyo pong kalilimutan na dinungisan nila ang kanilang pagkapari at ang sinumpaan nila bilang mga pari at mga Levita.

30Kaya tiniyak ko na ang mga mamamayan ng Israel ay malaya na sa kahit anong impluwensya ng mga dayuhan. At binigyan ko ng trabaho ang mga pari at ang mga Levita ayon sa bawat gawain nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.