Nehemias 13

Kaya tiniyak ko na ang mga mamamayan ng Israel ay malaya na sa kahit anong impluwensya ng mga dayuhan. At binigyan ko ng trabaho ang mga pari at ang mga Levita ayon sa bawat gawain nila.

Nehemiah 13:30 (UKJV) Thus cleansed I them from all strangers, and appointed the wards of the priests and the Levites, every one in his business;

28Si Joiada na anak na lalaki ng punong pari na si Eliasib ay may anak na nakipag-asawa sa anak ni Sanbalat na taga-Horon, kaya pinalayas ko siya.

29O aking Diyos, huwag nʼyo pong kalilimutan na dinungisan nila ang kanilang pagkapari at ang sinumpaan nila bilang mga pari at mga Levita.

30Kaya tiniyak ko na ang mga mamamayan ng Israel ay malaya na sa kahit anong impluwensya ng mga dayuhan. At binigyan ko ng trabaho ang mga pari at ang mga Levita ayon sa bawat gawain nila.

31Tiniyak ko rin na ang mga panggatong na gagamitin sa paghahandog ay madadala sa tamang panahon, pati ang mga unang ani. O aking Diyos, alalahanin po ninyo ako at pagpalain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.