Nehemias 2

Ngunit nang marinig nina Sanbalat na taga-Horon at Tobias na isang opisyal ng mga Amonita na dumating ako upang tulungan ang mga Israelita, labis silang nagalit.

Nehemiah 2:10 (UKJV) When Sanballat the Horonite, and Tobiah the servant, the Ammonite, heard of it, it grieved them exceedingly that there was come a man to seek the welfare of the children of Israel.

8At kung maaari, bigyan nʼyo rin po ako ng sulat para kay Asaf na tagapagbantay ng mga halamanan ninyo, upang bigyan ako ng mga kahoy na gagamitin sa paggawa ng pintuan ng matatag na kuta malapit sa Templo, at sa pagpapatayo ng pader ng lungsod at ng bahay na titirhan ko.” Pinagbigyan ng hari ang mga kahilingan ko sa kanya dahil sa kabutihan ng Diyos sa akin.

9Sa pag-alis ko, pinasamahan pa ako ng hari sa mga opisyal ng sundalo at sa mga mangangabayo. Pagdating ko sa kanluran ng Ilog Eufrates, ibinigay ko sa mga gobernador ang sulat ng hari.

10Ngunit nang marinig nina Sanbalat na taga-Horon at Tobias na isang opisyal ng mga Amonita na dumating ako upang tulungan ang mga Israelita, labis silang nagalit.

11Pagkalipas ng tatlong araw mula nang dumating ako sa Jerusalem,

12umalis ako nang hatinggabi na may ilang kasama. Hindi ko sinabi kahit kanino ang gustong ipagawa sa akin ng Diyos tungkol sa Jerusalem. Wala kaming dalang ibang hayop maliban sa sinasakyan kong asno.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.