Nehemias 3

Ang sumunod sa kanila ay sina Benjamin at Hasub. Itinayo nila ang bahagi ng pader na nakaharap sa bahay nila. Ang sumunod sa kanila ay si Azarias na anak ni Maaseias at apo ni Ananias. Itinayo niya ang bahagi ng pader sa bandang gilid ng bahay niya.

Nehemiah 3:23 (UKJV) After him repaired Benjamin and Hashub opposite to their house. After him repaired Azariah the son of Maaseiah the son of Ananiah by his house.

21Ang sumunod sa kanya ay si Meremot na anak ni Urias at apo ni Hakoz. Itinayo niya ang bahagi ng pader mula sa bandang pintuan ng bahay ni Eliasib hanggang sa dulo ng bahay nito.

22Ang sumunod na nagtayo ng bahagi ng pader ay ang mga pari sa paligid ng Jerusalem.

23Ang sumunod sa kanila ay sina Benjamin at Hasub. Itinayo nila ang bahagi ng pader na nakaharap sa bahay nila. Ang sumunod sa kanila ay si Azarias na anak ni Maaseias at apo ni Ananias. Itinayo niya ang bahagi ng pader sa bandang gilid ng bahay niya.

24Ang sumunod ay si Binui na anak ni Henadad. Itinayo niya ang bahagi ng pader mula sa bahay ni Azarias hanggang sa sulok ng pader. Isa pang bahagi ng pader na ito ang kanyang ipinatayo.

25Ang sumunod naman ay si Palal na anak ni Uzai. Itinayo niya ang bahagi ng pader mula sa sulok ng pader at ng nakausling tore sa palasyo, malapit sa pinagpupwestuhan ng mga guwardiya. Ang sumunod sa kanya ay si Pedaia na anak ni Paros,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.